ipapa-imbestigador daw ako o.. harhar!
oh yes, after ko ma-announce as the star employee for the month of October, somebody threatened me na ipapa-imbestigador daw nya ko. I’m scared. bakit ka’nyo? kasi raw hanggang ngayon hindi pa sila nakakabitan ng kuryente. kumusta naman. sige, saang lupalop kaya ng constitution nasasaad na unlawful ang hindi makabitan ng kuryente? toinks lang. kairita talaga ung customer kanina.
ganito kasi ang nangyari… note: itago na lamang natin sha sa pangalang BEBANG.
Monday. Nagawan ko ng contract si Bebang so that same day, naglabas ako ng field order para mapapuntahan sha at ma-inspect ang service entrance.
Tuesday. Nagfollow up thru phone si Bebang at sabi hindi raw sha pinuntahan ng field man. I reminded her of the three days na allowance na binibigay namin sa inspector. Kaya kung magfafollow up sha, dapat on the third day na lang. Anyway, finollow up ko na rin sa inspector.
Wednesday. Napuntahan si Bebang. Na-approve na ng field man ang service entrance nya. Since kumpleto na sha sa documentary requirements, finorward ko na ung files nya sa AOTL namin kasi sha lang ung pwedeng gumawa ng order ng pagpapakabit ng metro. Around 4pm, nag-follow up si Bebang. I told her na gagawan na ng order and antabayanan na lang nya ung crew na magkakabit within three days.
Thursday (TODAY). Tumawag nanaman si Bebang. Walang humpay ang kakulitan. Si Kuya Mike ang nakausap. Hindi sha nakuntento at tumawag ulit… ako ang hinanap. We talked. As per customer, hindi pa raw pala sha nagawan ng order for energization. Yun daw ang sabi ni Kuya Mike. So chineck ko sa system ung record nya, tama nga sha, wala pang order.
Ayunah, dun na nagalit si customer. Sabi ko raw kasi kakabitan na sila. VIP? Samantalang sa pagkakatanda ko sa usapan namin, which was kahapon lang, wala akong sinabing sure na makakabitan na sha today. Etong si Bebang na nagmamaganda nang-trash talk na. Tawagin daw ba akong sinungaling at manloloko. Shempre, hindi naman ako papayag ng ganun diba. So in a malumanay tone, I asked her kung anong panloloko at pagsisinungaling ang tinutukoy nyang ginawa ko sa kanya. Wala naman shang masabi kasi wala naman talaga. She just kept on saying na sabi ko raw kasi kakabitan na sila, which was true. So sabi ko, “Opo, sinabi ko po un. Pero wala po akong ipinangako sa inyo. Diba po?” At ang nasabi na lang ni Bebang… “Lokohan na to eh. Pag bukas wala pa rin, ipapa-imbestigador na kita… pause… dahil nanloloko ka.” Ay naku pramis, nagpanting talaga ang tenga ko at naramdaman kong tumibok lahat ng nerves ko. Oo, tumibok talaga ang nerves ko. Ganung lebel. Nairita na talaga ako kaya ang sabi ko in a malumanay but medyo matapang na tone:
“Sige po ma’am. Ang full name ko po ay (insert full name here). Ang man number ko po ay 15**2*. Kung gusto nyo po, pwede kayo magfile ng formal complaint sa main office namin. O kaya po, pumunta kayo bukas dito sa office at kausapin nyo po ang Branch Manager namin.”
Badtrip talaga e. Mananakot lang di pa tinuan. Kaya kayo, wag niyo tutularan si Bebang. Ang gumaya sa kanya, tutubuan ng takong sa noo! Buset!
“Your rights end where the rights of others begin.”
About this entry
You’re currently reading “ipapa-imbestigador daw ako o.. harhar!,” an entry on the cure for my short term memory ♥
- Published:
- November 28, 2008 / 12:12 am
- Category:
- me? professional? na-uh!
- Tags:
- complain, imbestigador, patience


No comments yet
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]