missing in action. writer’s block.

yeah. i know. m-i-a ako. ewan ko ba.. parang wala akong maisulat nitong mga nakaraang days. tipong icclick ko ung new post tapos mapupunta sa blank na template tapos i end up staring at the monitor habang ang mga thoughts sa isip ko ay paikot-ikot. kung tutuusin, marami akong pwedeng isulat. hindi ko lang mai-construct. writer’s block ba itech? kaya kahit gusto ko sumulat, wala akong entry.

less than a month na lang Christmas na. waaaah! kelangan na mag-ipon ng pang-gift. kelangang na agbudget. kelangan na mag-canvass. kelangan na gumawa ng list ng kung sinu-sino ang bibigyan ng gift at kung anu-anong ibibigay para sa budget. kelangan na mag-ready.

PERO..

Bago un, magpprepare muna ako kasi in 2 weeks time, Erik and I will be celebrating our fifth anniversary. amoooooy love!! ang lapit na! supah excited na ako. wagi ang anniversary namin ni Erik this year. Pareho kaming busy pero keri lang, kasi kahit ganun, magkasama pa rin kaming dalawa sa day na un. Sa daytime kasi, sportsfest sa Meralco so dun muna kami then sa gabi naman may free workshop sila ni Louie sa World Trade Center. Plugging!! Punta kayo guys if you are interested. :)

So little time, so much to do. Boohoo!



About this entry